Mayor's Corner

 

 

 

Dahil sa adhikain ng Pamahalaang Lungsod na mapagsilbihan ang mga taga-barangay,dinala nito ang mga pangunahing serbisyo sa pamamagitan ng Lingap sa Barangay. Ang programang ito ay patuloy na isi nasagawa sa pangunguna ni Mayor Agnes D.Tolentino. Lumilibot sa 34 na barangay ang
team ng Lingap sa pakikipag-ugnayan ng

City Planning & Development Office na pinamumunuan ni

Engr. Emma U. Pello,kasama and CSWDO
Elma Patawe, City Health Office

Dr. Mito Lovetho Alvarez at Ospital
ng Tagaytay - Dr. Angelo Huberto Daez.
Dala nila ang serbisyong tulad ng pamimigay ng gamot at bitamina, medical consultation, pedia consul tation child care and development at vitamin A supplementation (para
sa mga bata), pagbunot ng ngipin, gupit ng buhok, hot oil at hair spa. Ang lahat ng mga ito ay ipinagkaka loob nang walang bayad. Patuloy rin ang pagmomonitor ng kalagayang pangkalusugan at nutrisyon ng mga bata sa paaralan

Upang isulong ang Healthy Lifestyle Program, isang memorandum ang ipinalabas ni Mayor Agnes Tolentino noong Setyembre 2013 para sa lahat ng
kawani ng Pamahalaang Lungsod. Batay sa memorandum, ang mga kawani ay pinalalahok sa Zumba Dance Exercise tuwing araw ng Lunes (8:00am -9:am) Miyerkules at Biyernes, 4:00-5:00pm, simula Setyembre 06, 2013 sa City Hall Grounds. Layunin ng programang ito na matulungan ang bawat isa na maging productive at physically active.
Dahil sa kagandahang dulot nito, dumadalo rin tuwing lunes ang mga senior citizen, kababaihan, mga barangay officials at pati na rin mga guro.
   

 

 

 

 

 

 

Emergency Hotlines

PNP

(046) 4131282

OSPITAL NG TAGAYTAY

(046) 4832160

TAGAYTAY CITY RESCUE

(046) 4830446

FIRE STATION

(046) 483193

FEATURED VIDEOS

 

Tallest Ferris wheel in the Philippines

Comments or Suggestions E-mail:cpdctagaytay@yahoo.com